Filtered By: Newstv
NewsTV

James Harden at ang NBA 3X, tampok ngayong Linggo sa Sports Pilipinas


ONE-ON-ONE: JAMES HARDEN
"Fear the Beard" -- ito ang sigaw ng ilan sa kanyang mga nakakalaban sa hardcourt. Naka-One-on-One ni Sports Pilipinas Host Chino Trinidad si James Harden ng Houston Rockets na kilala sa bangis ng kanyang scoring, at mas kilala sa dahil sa pamoso niyang bigote!


2013 IRONKIDS
Ang pagsali sa triathlon ay hindi biro para sa isang atleta. Upang manalo sa karera, masusing pagensayo ang kailangan sa paglangoy, pagtakbo, at pagbisikleta. Kaya’t lalong nakakahanga itong mga champion kiddie triathletes na taon taon, ay sumasali sa triathlon competition na IRONKIDS.


NBA 3X 2013
James Harden ng Houston Rockets, Eric Gordon ng New Orleans Pelicans, at ang Indiana Pacemates cheerleaders -- sila ang mga big-name NBA stars na pumunta sa Pilipinas kamakailan lang para sa NBA 3X (3 on 3 competition) na ginanap sa Mall of Asia. Nakisaya ang Sports Pilipinas host at basketball fanatic na si Isabel Oli sa basketball extravaganza na ito.




Mapapanood ang Sports Pilipinas ngayong Linggo, August 4, 2013, 11:15 ng tanghali sa GMA News TV.