Chieffy Caligdong, Emman Monfort, NU Lady Bulldogs, tampok sa Sports Pilipinas
ONE ON ONE: CHIEFFY CALIGDONG NG PHILIPPINE AZKALS
Kilala ang Azkals sa mga half-foreign, half-filipino nilang mga manlalaro tulad ng magkapatid na Younghusband. Pero sa mga masugid na tagasubaybay ng Philippine football, malaking tagumpay ng koponan ay dahil sa kontribusyon ng manlalaro nilang full-blooded Pinoy. Makaka 1-on-1 ni Sports Pilipinas host Chino Trinidad si Chieffy Caligdong.
UNSUNG HEROES NG PBA: BAY LEDESMA AT TITO VARELA
Magbibigay pugay din ang Sports Pilipinas sa mga taong nagpanatiling maayos ang takbo ng bawat laro sa PBA --- Ang mga referees! Kilalanin ang dalawa sa pinakasikat na PBA referees na sina Tito Varela at Genaro “Bay” Ledesma.
NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS – V-LEAGUE CHAMPIONS!
Biro ng iba, matalo na sa lahat, huwag lang sa NU. Pero ngayong nakita ang galing ng mga volleyball players ng National University Bulldogs sa nakaraang V League, mayroon pa kayang hahamak sa mga bulldogs?
SMALL BUT TERRIBLE: EMMAN MONFORT
Kung ang NBA ay may Mugsy Bogues, mayroon din isang “small but terrible” na gumagawa ng pangalan naman sa local basketball, ang pinakamaliit na manlalaro ngayon sa PBA, Si Emman Monfort.
MMDA FOOTBOLEROS
Disiplina sa kalye ang madalas tinututukan ng ating mga MMDA officers. Strikto sila sa pagsunod nito, pero naitanong nyo ba kung paano nila hinahasa ang kanilang sariling disiplina? Ang sagot nila riyan --- maglaro ng football! Makakasama ni Isabel Oli ang ilan sa miyembro ng mga MMDA football teams.
Mapapanood ang Sports Pilipinas tuwing Linggo, 11:15 AM sa GMA News TV.