Filtered By: Newstv
NewsTV

Recipe ng Sinigang na Bangus na paborito ni Ninoy Aquino


Nang ikulong sa Fort Ramon Magsaysay ang dating Senador na si Ninoy Aquino, halos hindi raw ito kumakain nang maayos. Dahil dito, kapansin-pansin ang pagpayat at pagbagsak ng katawan ni Ninoy.  Sa tulong ni Nanay Celly, isang civilian staff ng Fort Magsaysay na nagluluto ng pagkain ni Ninoy at ng iba pang political prisoners sa kampo, nakakain si Ninoy ng mga pagkaing lutong-bahay at may sustansya para sa katawan. Isa raw sa madalas lutuin noon nin Nanay Celly para kay Ninoy ang Sinigang na Bangus. Ito ang recipe ni Nanay Celly ng Sinigang na Bangus:  SINIGANG NA BANGUS

Mga sangkap: 
  • Tubig  
  • Sampalok  
  • Hugas bigas  
  • Sibuyas  
  • Kamatis  
  • Sampalok  
  • Bangus  
  • Kangkong  
  • Patis  
  • Siling haba
Paraan ng pagluluto:
 
  1. Pakuluan ang sampalok hanggang maging malambot ito. Alisin sa apoy at lamasin ang sampalok hanggang lumabas ang katas.  
  2. Salain ang katas at isantabi.  
  3. Sa hiwalay na lutuan, magpakulo ng hugas-bigas at saka ihalo ang hiniwang sibuyas at kamatis.  
  4. Idagdag ang katas ng sampalok.  
  5. Kapag kumulo na ang sabaw, ilagay ang nilinis at hiniwang bangus. Pakuluin ang bangus hanggang maluto.  
  6. Kapag luto na ang bangus, idagdag na ang dahon ng kangkong at saka timplahan ng patis.  
  7. Maaaring magdagdag ng sili ayon sa panlasa.  
  8. Hanguin at ihain ang sinigang habang mainit.