Filtered By: Newstv
NewsTV

Recipe ng Sinigang na Isda sa Mangga


Ayon sa ilang historians, nang mapadpad ang grupo nina Ferdinand Magellan at Antonio Pigafetta sa baybayin ng Mactan, inabutan daw nila si Humabon, ang Raja ng Cebu, na naghahapunan. Inanyayahan daw ng grupo nina Humabon ang mga banyaga na makisalo sa kanila. Maaring kabilang naman daw sa mga inihaing pagkain sa isang piging para sa grupo nina Magellan ang ilang putaheng isda gaya ng Sinigang na Isda sa Mangga. Ito ang recipe:
SINIGANG NA LAPU LAPU SA MANGGA Mga sangkap:
  • Tubig  
  • Tanglad o lemon grass  
  • Hilaw na mangga  
  • Sibuyas  
  • Kamatis  
  • Luya  
  • Sitaw  
  • Labanos  
  • Okra  
  • Isdang Lapu Lapu  
  • Kangkong
Paraan ng pagluluto:
  1. Magpakulo ng tubig na may lemon grass.  
  2. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang hiniwa-hiwang manggang hilaw.  
  3. Matapos ang limang minuto, ihalo ang tinadtad na sibuyas, kamatis, at luya. Ihalo na rin ang hiniwang sitaw at labanos.  
  4. Pakuluan ng limang minuto ang mga gulay bago ihalo ang okra at saka isda.  
  5. Kapag luto na ang isda, huling ilagay ang kangkong. Pakuluan nang dalawang minuto saka timplahan ng asin ayon sa panlasa.  
  6. Ihain habang mainit.