ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time'

Isang coffee shop, pawang mga PWD ang mga empleyado


 

Reel Time presents Kayang-Kaya Café

Si Adrian ay 25 taong gulang, binata. Hiwalay na ang kaniyang mga magulang kaya ang kasama niya sa bahay ay ang kanyang 87 year old na lola, kuya niyang walang trabaho, tiyuhin at mga pamangkin.

Siya ang breadwinner sa kanilang bahay.

Isa siyang Person With Disability (PWD), isinilang siyang may cerebral palsy. Hirap maglakad, magsalita at gumalaw.

Isa lamang siya sa mga nagtatrabaho sa isang natatanging Coffee Shop, na pawang mga PWD ang mga empleyado.

Kilalanin siya at alamin pa ang mga suliranin, pagsubok, at mga tagumpay ng mga Persons With Disability na hindi nagpapa-gapi sa kanilang mga kapansanan sa Reel Time Presents “Kayang Kaya Café”, Sabado 9:15 pm sa GMA News TV.

Tags: reeltime