'Hari ng Anghang,' kilalanin sa 'Reel Time'
REEL TIME PRESENTS: “HARI NG ANGHANG”
Halos dalawampung taon na mula nang maitanghal si Ereberto Gonzales Jr. bilang “Sili King.” Katunayan napasama pa siya sa pamosong libro na Guinness Book of World Records bilang taong may pinakamaraming nakaing siling labuyo sa pinakamabilis na oras noong taong 2000.
Pero kasama ng biglang kasikatang natamo noon ni Sili King, ay iniinda niya ngayon ang kagat ng anghang ng sili sa kaniyang sikmura kada pagkakataon na kumain siya ng maraming sili. Sabi niya ay may trauma na siya sa pagkain ng maraming sili.
Makikilala rin natin ang binatang si Rix Terabite Francisco, isang competitive eater na may talentong mabilis umubos ng limang kilong pagkain sa isang upuan lamang. Sinusubok rin niyang maipatala ang kaniyang pangalan at magkaroon ng sariling world record sa pagkain ng sili.
Siya na ba ang papalit at kukuha ng korona mula kay Sili King? Papayag ba ang original na Sili King na masungkit ang titulo mula sa kaniya?
Samahan natin sila sa pagtuklas ng iba’t ibang klase ng sili na may iba’t ibang lakas ng anghang, na may tatlong beses, limang beses, o sampung beses pa na mas maanghang kaysa sa Siling Labuyo!
Ano ano ang iba’t ibang klase ng sili? Ano pa ang mga produktong magagawa mula sa sili? Paano magtanim ng sili? At ang pinaka-importanteng… Sino ang Hari ng Anghang?
Abangan sa Reel Time, Sabado 9:15 PM, sa GMA News TV.