Filtered By: Newstv
NewsTV

Dalagitang nagsusumikap makapagtapos kahit putol ang mga kamay at paa niya, tampok sa 'Reel Time'


 

 

Isinilang na walang mga kamay at paa si Mutya Marcelino sa Sitio Bongabong, Mindoro Oriental. At dahil isang “Paltera” o hilot lamang ang nagpaanak sa kanyang ina noon, pinanghawakan na kanyang pamilya na sa “drumstick ng fried chicken naipaglihi ang dalagita. Ganunpaman, itinuring na normal at walang kapansan ng kanyang mga kapatid at magulang si Mutya.

Dahil pangalawa sa apat na magkakapatid si Mutya, niyayakap niya ang responsibilidad na balang araw ay siya ang isa sa mga tutulong sa kanyang mga magulang at magpapaaral sa kanyang bunsong kapatid. Ito ang dahilan kaya nagpursige si Mutya na mag aral kahit na tatlong kilometro ang layo ng kanilang tahanan sa kanilang paaralan. Gamit ang kanyang tuhod bilang mga paa, inaabot ng dalawang oras si Mutya para marating ang paaralan, hindi alintana ang matatalim  na bato at putik sa kanyang dadaanan, ginawa ito ni Mutya hanggang sa marating ang ika-apat na taon sa kolehiyo.

Fourth year na ngayon si Mutya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, at isa sa mga requirements ng paaralan ang makapag On the job training o OJT ang lahat ng mga graduating students ng paaralan para maka graduate. Kung naging kalbaryo para kay Mutya ang makapasok sa paaralan para lamang makatapos, papaano kaya niya haharapin ang mga may ari ng kumpanya para sa “On the job training” application niya.

Handa na nga ba si Mutya na makipag sabayan sa mga kapwa estudyante niya si Mutya na walang kapansanan? Ang isa pang mahalagang tanong, handa na rin kaya ang mga Employer na mag “hire” ng isang aplikante tulad ni Mutya.

Ang madamdaming paglalakbay ng dalagita para makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay, mapapanood sa Reel Time presents: Mutya. Ngayong Sabado, 9:15 PM sa GMA News TV.