Kambal na kayod-kalabaw sa mura nilang edad, tampok sa 'Reel Time'
REEL TIME presents
KAMBAL-DOZER
JUNE 24, 2017
SABADO, 9:15 PM
GMA News TV 11
![](http://images.gmanews.tv/webpics/2017/06/640_unnamed_(16)_2017_06_23_15_02_25.jpg)
Kilala ang Baranggay Putsan sa Tiwi, Albay sa mayamang deposito nito ng “natural clay” na pangunahing materyales sa paggawa ng mga paso, palayok at iba pang produkto na gawa na nasabing uri ng lupa. At sa loob ng dalawang daang taon ito na ang naging pangunahing kabuhayan ng mga rfesidente sa nasabing barangay.
Pero kung “skill” na maituturing ang paggawa ng mga palayok, ibang usapin naman kung ang paraan ng pangongolekta ng lupa o “natural clay” at pag poproseso nito ang pagtutuunan ng pansin.
Dito papasok ang kambal na si John at Rey, sa edad na labing apat, maglilimang taon ng akyat baba ang magkapatid para manguha ng lupa sa paanan ng burol. Pagkalabas ng kambal sa paaralan ng mga alas-tres ng hapon, diretso ang magkapatid sa burol kasama ang ama at bitbit ang mga asarol, pala at piko.
Maghuhukay at magbubungkal ang magkapatid ng mahigit isang oras para lamang mapuno ng lupa ang dala nilang kareta “carabao cart”. Kapag napuno na nila ito, diretso ang mag aama sa kapatagan para ibilad ang mga nakuhang lupa. Kailangan magbilang ng magkapatid ng dalawa hanggang tatlong araw para mapatuyo nila ang lupa. Dito na magsisimula ang mahirap na proseso ng pagdurog ng lupa hanggang mapino gamit ang roller na gawa sa mabigat na semento at bakal. Tulak tulak ang mabigat na roller, paulit ulit na pagugulungan ng kambal ang pinatuyong lupa hanggang sa mapino.
Kahit na abutin ng dilim at para maiwasan ang ulan, diretsong bibistayin (sasalain gamit ang screen) ng kambal ang lupa para maisako ito at ibenta sa mga “Paragibo” o pot maker sa halahang isang daan tatlong sako. Kumita ng dalawang daang piso ang kambal sa tatlong araw nilang pagtatrabaho. Doon lamang makakabili ng bigas at sardinas ang magkapatid na pagsasaluhan ng kanyang mga magulang at dalawang pang kapatid.
Sa ganitong uri ng pamumuhay, makamit pa kaya ng kambal ang pangarap nilang maging piloto at seaman pagdating ng araw?
Sa papaanong paraan pa napagsasabay ng kambal ang kanilang pag aaral at pagtatrabaho?
Ngayong Sabado, inihahandog ng Reel Time ang “Kambal-Dozer”, 9:15pm sa GMA News TV 11.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us