Miss Gay Pangkalawakan, rarampa sa 'Reel Time'
_2016_11_18_16_06_51.jpg)
REEL TIME PRESENTS
MISS PANGKALAWAKAN
“Yelo ka ba?’
“Bakit???”
“Ang sarap mo kasing ipukpok sa pader!”
“Summer ka ba?”
“Bakit???”
“Wala ka kasing class.”
“Kalsada ka ba?”
“Bakit???”
“Baku-bako ka kasi!”
Ang mga dating pa-sweet at pakilig na hugot lines, nag-evolve na rin. Ginagamit na ito ngayon para maging katatawanan. Bagama’t may panglalait, hindi raw ito dapat seryosohin. Ika nga, “just for laughs”. Para naman sa mga kandidata ng Miss Gay Pangkalawakan, ang mga nakatatawang hugot line na ito ang kanilang bala upang mapasaya ang mga manonood ng pageant at masungkit ang titulo.
Kung dati kasi ay pagandahan at patalinuhan ang labanan, sa Miss Gay Pangkalawakan, talento at talas sa pagpapatawa naman ang usapan.
Si Rjay alyas Elsa Droga, 28 anyos, laging umuuwing winner. Pak na pak kasi ang kaniyang hugot lines at talent presentation. Kamakailan nga lang, nag-viral ang video niya sa swimsuit portion ng isang pageant na sinalihan niya. Mapapanood dito kung paanong buwis-buhay na rumampa si Rjay, na ikinatuwa at pinalakpakan ng mga manonood.
Ang pagsali sa mga Miss Gay Pangkalawakan na umano ang naging hanapbuhay ni Rjay. Linggu-linggo, sumasali siya sa contest kung saan nakapag-uuwi siya ng hindi bababa sa isang libong piso. Bukod sa pera, ang pagsali umano sa mga contest na ito ang paraan ni Elsa upang ma-express ang kaniyang sarili.
But wait, hindi raw lahat natutuwa sa mga Miss Gay Pangkalawakan. May ilang LGBT group na kinukondena ang mga ganitong contest. Nagiging parang "freak show" raw kasi ito at hindi nakatutulong sa pagpapataas ng diskurso ukol sa mga isyu ng LGBT. Muli na naman daw ginagawang katatawanan ang mga bading at transwomen imbes na iangat ang kanilang antas.
Pero para kina Rjay, imbes na panliliit, kakaibang saya ang naidudulot sa kanila ng pagsali sa mga Miss Gay Pangkalawakan. Bukod umano sa kumikita sila ng pera, masayang-masaya rin daw siya sa tuwing napupuri at pinapalakpakan ng mga manonood. Nararamdaman daw nila rito na natatanggap sila at hinahangaan ng mga tao.
Sa ngayon, tama na muna ang mga hanash, mga momshie at mga bes. Watch muna ng Reel Time Presents Pangkalawakan sa Sabado, November 19, 9:15 ng gabi at kilalanin ang mga kakaibabes na pangkalawakan.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us