Filtered by: Newstv
NewsTV
Lolang tumatayong ina sa limang apo, kikilalanin sa 'Reel Time'
REEL TIME presents
LOLA NANAY
September 27, 2015
Linggo, 9PM
GMA News TV 11

Isang pares ng lumang sapatos ang salitan na ginagamit ng magkapatid na sina Jayson at Jaypee sa pagpasok sa eskwela.
Pero bukod sa sapatos, pinagsasaluhan din nila ang pangungulila sa kanilang ama at ina.
Pitong taon na ang nakakaraan nang mamatay ang kanilang ina sa panganganak sa bunso nilang kapatid. Habang binaril naman ng mga 'di kilalang kalalakihan ang kanilang ama. Silang limang magkakapatid, sa mura nilang edad, naging ulilang lubos.
Sa pagmamahal sa kanilang nasawing anak at sa kanilang mga apo, kinupkop nina na lola Lilia at lolo Memito ang limang magkakapatid. Ramdam din nila ang hirap at sakit na lumaking walang magulang dahil maging sila ay naulila noong kanilang kabataan.

Itinuring na anak nina lola Lilia ang kanilang mga apo. Sa kabila ng kanyang edad, muli niyang hinaharap ang hamon ng pagpapalaki ng mga anak. Tunay nga, hindi nagreretiro ang isang ina.
Kapos sa buhay, pilit nilang itinataguyod ang pang-araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang mga magkakapatid, nagbabanat na rin ng buto para suportahan ang kanilang mga tumatandang magulang.
Ang tanging hiling ng kanilang Lola Nanay, humaba pa ang kanilang buhay. Pero kasabay ng pagtanda ang panghihina at pagdapo ng mga karamdaman. At dumating na nga ang kanilang kinatatakutan.
Muli ba silang mauulila?
Ngayong Linggo, tunghayan ang kwento ng "Lola Nanay" sa Reel Time, 9pm sa GMA News TV 11.
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular