Filtered By: Newstv
NewsTV
Social Experiment Documentary tungkol sa mga LGBT, handog ng 'Reel Time'
Airing date: Sunday, June 28, 2015
Lumabas sa pag-aaral ng Pew Research Center sa Amerika na isa sa mga tinaguriang ‘gay-friendly countries’ ang Pilipinas, dahil 73% daw na naging kasapi sa kanilang survey ang nagsabing ‘dapat tanggapin ang homosexuality’ sa ating lipunan. Pero may mga naniniwalang ‘echos’ lang ang impormasyong ito, lalo pa’t hindi malinaw kung ‘tanggap’ na nga ba ng mga Filipino ang lesbian, gay, bisexual, transgender, queer at intersexuals o LGBTQI.
Kamakailan naging mainit ang isyu ng ‘no cross-dressing policy’ sa isang ekslusibong establisimyento sa Metro Manila. Nagpaliwanag na ang pamunuan nito, at itinanggi ang mga paratang laban sa kanila, pero may ilan namang naniniwalang paraan ito para idiscriminate ang komunidad ng LGBTQI.
Nagsagawa ng ilang social experiments ang Reel Time para alamin kung ano nga ba ang magiging reaksyon ng mga ordinaryong Filipino sakaling makita nila nang harapan at personal ang mga pangungutya, pananamantala, pang-aapi at pang-aabuso sa kanila. Magkikibit-balikat lang ba sila o kaya nilang tumindig para ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng ibang tao? Kahit miyembro sila ng LGBTQI community?
Mapapanood sa huling araw ng Pride Month ang pambihirang dokumentaryo na hahamon at susuri sa kasalukuyang paniniwala at paninindigan ni Juan tungkol sa LGBTQI community. Tanong ng Reel Time, “Anong Paki Mo?”, ngayong Linggo, 8PM pagkatapos ng Idol sa Kusina, sa GMA NewsTV Channel 11.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular