Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga alagang gagamba, tampok sa 'Reel Time'


REEL TIME presents "SAPOT"

April 12, 2015, 8 PM



Isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming species o uri ng gagamba sa buong Asya. Iba’t ibang anyo, sukat at kulay ang matatagpuan sa kapuluan natin dahil na rin tropikal nitong klima na akmang-akma para sa buhay at pagdami ng mga gagamba. Pero kahit maraming matatagpuang gagamba sa paligid natin, marami rin naman ang natatakot sa kanila. Ang iba nga meron pang ‘phobia’ o nakararamdam ng labis na takot kapag nakikita, kahit ang pinakamaliit na gagamba.

Pero ibahin ninyo ang dalawampu’t dalawang taong gulang na si Christian, na pinatunayan yata ang tapang ng mga Kabitenyo. Gagamba kasi ang madalas niyang pagkaabalahan – hindi lang inaalagaan, kundi pinagkakakitaan din!

Naibebenta ni Christian ang mga nahuhuling gagamba sa halagang PhP 50 kada isa. Gumagawa rin siya ng mga bahay nito. Pero mas malaki raw ang kita sa mga sinasalihan niyang ‘derby’ o sabong ng mga gagamba. Karaniwan kasing nag-uuwi nang mula PhP 500 hanggang sa pinakamalaking halaga na PhP 5,000 ang mga may-ari ng gagambang nananalo sa pustahan sa derby. Ito nga raw ang isa sa mga paraan ni Christian, para makapag-uwi ng kita sa kaniyang pamilya. Wala rin kasi siyang permanenteng trabaho, maliban sa mga pasideline-sideline na kita.

Manalo kaya siya sa ‘derby’ o mauwi ang laban sa ‘sorry’? Kilalanin si Christian at ang mga alaga niyang gagamba, sa dokumentaryo ng Reel Time ngayong Linggo, ‘Sapot’, alas-8 ng gabi sa GMA NewsTV Channel 11.
 

Tags: prstory, reeltime