Filtered by: Newstv
NewsTV
Inihahandog ng 'Reel Time': 'Gulong'
AIRING DATE: May 18, 2014 (Sunday)
AIRING TIME: 8:00 p.m.

Isa sa bawat tatlong Person with Disability o PWD sa Pilipinas ay "head of the family" o siyang bumubuhay sa kanilang pamilya. At sa 8 milyong PWD sa bansa, 4 na milyon dito ang menor de edad.
Si Rowell, 15 taong gulang, sanggol pa lang ay hindi na nakapaglalakad. Pero siya ang bumubuhay sa kaniyang ina at nakatatandang kapatid na may sarili na ring supling. Sakay ng kaniyang weelchair, nagba-barker si Rowell sa bayan ng Tanza. Sinasalubong niya ang panganib ng lansangan para abutan ng barya ng mga motorista. Nanunuluyan siya sa palengke at tinitiis ang pagiging malayo sa kaniyang pamilya para hindi magutom ang kaniyang mga mahal sa buhay. Minsan sa isang buwan, dalawang oras na binabagtas ni Rowell ang highway gamit ang kaniyang wheelchair upang makadalaw sa kaniyang ina at makapag-abot ng bigas at kaunting halaga.
Sa palengke, nakahanap ng kanlungan si Rowell. Hindi raw siya nagugutom dito kaya kuntento na siya sa ginagawa niyang diskarte sa pagbabarker at paglilimos. Isa lang si Rowell sa 98% na mga batang PWD na hindi nakakapag-aral sa bansa.
Sa kaniyang ika-16 na kaarawan, walang ibang hiling si Rowell kundi ang magkaroon ng munting salo-salo. Hindi na niya hiling pang makaahon sa kahirapan dahil ayon sa kaniya, sanay na siya sa kaniyang kalagayan.
Ano na kaya ang kinabukasang naghihintay kay Rowell? Abangan sa Reel Time presents "Gulong" ngayong Linggo, May 18, 8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular