Filtered by: Newstv
NewsTV

Reel Time presents 'Lagalag'


 

REEL TIME PRESENTS
LAGALAG
Airing date: March 17, 2013
 

  
Nasubukan mo na bang bumiyahe sa isang hindi kilalang lugar? Makitira sa isang hindi pamilyar na tahanan? Maki-jamming sa mga hindi kilalang tao ? Kung gusto mo ng adventure, handa ka naman bang ipagkatiwala ang iyong bakasyon sa kamay ng isang estranghero?

May nauuso na kasing paraan ng pagbibiyahe sa ilang mga Pinoy ngayon: ang Couchsurfing! 

Sa pamamagitan ng isang website, maaaring makakilala ng mga kapwa mo traveler mula sa iba't ibang parte ng daigdig. Kung susuwertehin, puwede ka ring makitira at makisama sa mismong mga residente sa pupuntahan mong lugar!

Dito sa Pilipinas, isa sa mga aktibong couchsurfer ang 24 taong gulang na si Nuki. Ang kanyang pinakabagong bisita, ang taga-Netherlands na si Mitch. First time lang daw ni Mitch sa Pilipinas at si Nuki ang magiging personal tour guide niya sa iba't ibang mga sulok ng Antipolo, Pagsanjan at Boracay! Sa loob ng dalawang linggo, sa bahay ni Nuki makikitira ang Dutch na si Mitch. Makakahalubilo ni Mitch ang pamilya ni Nuki at makakatikim ng isang pambihirang Pinos hospitality.

Ngayong Linggo sa Reel Time, angkas na sa isang hindi malilimutang biyahe ng mga "Lagalag," alas-9 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.