Filtered by: Newstv
NewsTV
Oral health ng mga Pinoy, bubusisiin sa dokumentaryong 'Bungi'
Reel Time BUNGI Airing date: March 25, 2012
Bungi Republic na raw ang Pilipinas! Sa pag-aaral ng World Health Organization, itinuturing ang Pilipinas bilang nangungunang bansa sa Asya at pangalawa sa buong mundo na may pinakamaraming bilang ng mga taong may nabubulok na ngipin. Hindi ito mahirap paniwalaan lalu pa't lumalabas na mahigit pitumpung porsiyento ng mga Pilipino ang hindi pa raw nakakapagkonsulta o nakakabisita sa isang dentista. Bakit nga ba ganito na lang kabulok ang kalusugang dental ng mga Pilipino?
![](http://www8.gmanews.tv/webpics/v3/2012/03/reeltimesaycheese.jpg)
Sa Baseco, Tondo, ang pamilya Tarrayo ay gumagamit ng iisang toothbrush lamang para sa buong pamilya na may siyam na miyembro. Halos lahat sa kanila ay may problema sa ngipin. Ang panganay na lalaking si Ronnie, tinitiis na lang ang pagsakit ng kanyang tatlong ngipin na pawang mga butas na at nabubulok pa. Pagsakit ng ipin din ang dahilan ni Ronnie kung bakit lagi siyang hindi nakakapasok sa eskwelahan.
Ang pamilya Villanueva naman na may sampung miyembro, kahit pa may toothbrush ang bawat isa, hindi naman nila ito ginagamit. Kaya hindi nakakapagtaka na lahat sa kanila ay may nabubulok at sirang ngipin. Sa katunayan, apat sa kanila ay bungal na. Kabilang sa mga nabungal ay ang 14 anyos na si Dagol na hindi pa nakakakita o nakapagkonsulta sa isang dentista. Ikinahihiya raw niya ang kanyang bungal na bibig dahil lagi na lang siyang tampulan ng tukso. Kaya naman tumigil na lang siya ng pag-aaral sa elemetarya para magtrabaho sa isang junk shop. Sa barya baryang kanyang kinikita, pangarap daw niya ang magkaroon ng pustiso.
Isa na namang makabuluhan at kapanapanabik na dokumentaryo ang inyong matutunghayan sa Reel Time, ngayong Linggo alas 8:30 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular