Tatlong international-themed restos sa UP Town Center, hahatulan sa 'Pop Talk'
POP TALK
‘UP TOWN CENTER FOOD CRAWL’
Airing Date: Nov. 24, 2018
#PopUPTownFoodCrawl

Four years ago, noong unang i-feature ng ‘Pop Talk’ ang UP Town Center, Phase 1 building pa lang ang bukas noon, at kokonti pa lang ang restos dito. Ngayong bukas na ang 3 phases nito, pumili uli ang ‘Pop Talk’ ng tatlong international themed-restos na rerebyuhin para sa ating ‘UP Town Food Crawl.’ Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?

Isasalang sa review ang: Tori Chizu, Bistro Ravioli, at Kko Kko. Kasama ng host na si Tonipet Gaba sa pagrerebyu: ang chef at owner ng Chef Robert Restaurant na si Chef Robert Tan, ang dating kid-host sa ‘Tropang Potchi’ na all grown up na ngayon at huling napanood sa Cinemalaya top-grossing film na ‘ML’ na si Lianne Valentin, at ang masuwerteng ‘Pop Talk’ viewer-turned-reviewer na si Danica Clare Decena.

‘Pop Talk: UP Town Center Food Crawl,’ ngayong Sabado, November 24, 8PM sa GMA NewsTV.
