Filtered By: Newstv
NewsTV

Tatlong pasyalan sa Laguna, hahatulan sa 'Pop Talk'


POP TALK
‘VALENTINE PASYALAN IN LAGUNA’
Airing Date:  FEB 3, 2018
#PopValentinePasyalan

 


Para sa mga couple at barkadang nagpaplano ng Valentine’s day gimik, naghanap ang Pop Talk ng tatlong pasyalan na puwede n’yong puntahan sa nearby Laguna! Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?

Isasalang sa review ang: Mountain Lake Resort at Bloc Camp Site sa Cavinti, at Blue Hotel and Resort sa Los Banos. Kasama ng host na si Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang mga panauhing reviewer: ang celebrity reviewer na si Mico Aytona, ang celebrity reviewer na Kapuso actress at Protege runner up na si Elle Ramirez, at ang Pop Talk viewer-turned-reviewer na si Paula Erika Arcangel.

Pop Talk: Valentine Pasyalan sa February 3, 8PM sa GMA NewsTV.