Filtered By: Newstv
NewsTV

Tatlong food trucks, sasalang sa 'Pop Talk' review ngayong January 24




POP TALK
‘Food Trucks’
Airing Date: January 24, 2015


Naglipana na naman ang mga truck! Pero, hindi sa kalsada. Palipat-lipat ito ng puwesto kung saan paparada. Ito ang usong-usong food trucks na naghahain ng masasarap at kakaibang food fare. Aarangkada na naman sa ‘Pop Talk’ ang tatlong tinaguriang ‘restaurant-on-wheels’. Alin kaya ang matitiketan ng ‘pop’ o ‘flop?’



Isasalang sa review ang: Jasper’s House of Chicken, The Soul Food Truck at Mexicombi.



Kasama ni Tonipet  Gaba sa pagrerebyu ang popular chef na si Chef  Myke ‘Tatung’ Sarthou, ang Kapuso young actress na huling napanood sa ‘Strawberry Lane’ na si Kim Rodriguez, at ang Kapuso actor na si Rap Fernandez. Huhusgahan nila ang mga food truck base sa criteria na ’food, wow factor, at price.’ Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?



Alamin ngayong Sabado sa ‘Pop Talk: Food Trucks,’ January 24, 8 PM sa GMA News TV!
Tags: plug