Filtered By: Newstv
NewsTV

Malabon Food Crawl sa 'Pop Talk'


"Pop Talk"
Malabon Food Crawl
May 17, 2014
8 PM, GMA News TV-11

 



Babaha ng sarap at linamnam sa ‘Pop Talk’ sa pagbisita namin sa bayan ng pansit, pichi-pichi, at sapin-sapin. Sa tatlong restos na tubong-Malabon, alin kaya sa mga ito ang pop o flop? Unang isasalang sa pagrerebyu ang “MFlores Dine In and Milk Tea” na unang nakilala sa kanilang pichi-pichi pero ngayon ay nagbukas na rin ng restaurant. Kasama rin ang “Rody Day’s Restaurant” na dinarayo sa kanilang tortang alimasag, camaron rebosado at crispy tenga. Ang pangatlo ay ang “Mary Jay Restaurant” na may bestseller na crispy pata at fried chicken.

Makakasama ng host na si Tonipet Gaba ang guest reviewers: ang popular chef na si Chef Waya Araos, ang foodie at Hotel and Restaurant management graduate na si Jonas de Guzman, at ang celebrity reviewer na Kapuso actress na si Yasmien Kurdi.
 



Ang "Pop Talk" ay ang pop culture-review program kung saan pinag-uusapan at nirerebyu kung ano, sino, at saan ang hot, happening at trending ngayon.  Tinanghal itong ‘Best Adult Educational Program’ sa 2013 Catholic Mass Media Awards (CMMA).

One-to-sawang kainan sa “Pop Talk: Malabon Food Crawl” ngayong Sabado, 8:00 ng gabi sa GMA NewsTV.