Filtered By: Newstv
NewsTV

Quezon Pasyalan sa 'Pop Talk'


"Pop Talk"
Quezon Pasyalan
May 10, 2014
8 PM, GMA News TV-11

 
Tuloy-tuloy ang bakasyon dito naman sa Quezon! Dahil alam naming daragsa na naman ang taumbayan sa probinsiya ng Quezon para sa Pahiyas Festival, naghanap ang "Pop Talk" ng tatlong outdoor adventure sa Quezon para sa dagdag-saya at lakwatsa habang nakikipiyesta.





Isasalang sa pagrerebyu ang “Bangkong Kahoy o BK Mountain Lodge” sa paanan ng Mt. Banahaw at Mt. Cristobal sa bayan ng Dolores kung saan makapigil-hininga ang tanawin habang ikaw ay nagho-horseback riding, ang “Bantakay Falls and Cave” sa Atimonan para sa nature-trekking at preskong tubig ng Bantakay Falls, at ang “De Gracia Beach Resort” sa bayan din ng Atimonan kung saan puwedeng mag-fish feeding, snorkeling at diving.





Makakasama ng host na si Tonipet Gaba ang guest reviewers: ang sports enthusiast na si Kimberly Orgas, ang daddy na mahilig sumubok sa new adventures na si Derek Feran, at ang celebrity reviewer na Kapuso actress na si Sheena Halili.Ang ‘POP TALK’ ay isang pop culture-review program kung saan pinag-uusapan at nirerebyu kung ano, sino, at saan ang hot, happening at trending ngayon. Tinanghal itong ‘Best Adult Educational Program’ sa 2013 Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Makisaya sa piyesta at adventure  sa ‘Pop Talk: Quezon Pasyalan’ ngayong  Sabado, 8:00 ng gabi sa GMA NewsTV.