Filtered By: Newstv
NewsTV

'Pop Talk' 2nd Anniversary Special: Batanes Adventure



BATANES ISLANDS ADVENTURE
2ND ANNIVERSARY SPECIAL, PART 1
MARCH 12, 2013
 
2ND year anniversary na ng Pop Talk!  Dahil diyan, isang 2-part special ang hinanda namin para sa inyo mula sa northernmost part ng Pilipinas—ang Batanes!  Tinaguriang ‘The Last Frontier’, ang Batanes ay isang picture-perfect paradise na napaliligiran ng malalawak na rolling hills, makalaglag-pangang cliff at rock formations, at makapigil-hiningang seascape.


Sa unang espesyal na episode, ang mga isla mismo ang rerebyuhin!  Sa sampung isla na bumubuo sa Batanes, sa tatlo lang may naninirahan— ang Batan Island, Sabtang Island, at Itbayat Island. Bawat isla ay may taglay na  likas na ganda at karisma na siguradong magpapahanga at magpapa-in love sa kahit sinong turista.  Alin sa tatlong Batanes islands ang hahakot ng poppoints?  ‘Yan ang ating aalamin at rerebyuhin base sa criteria na ‘wow factor,’ ‘fun factor’ at ‘convenience.
 
Makakasama ng host na si Tonipet Gaba sa pamamasyal at pagrerebyu ang guest reviewers: ang ating expert na si Lois Yasay na isang food and travel blogger ng www.wearesolesisters.com na nanalo ng Best Travel Blog sa Philippine Blog Awards noong 2011; ang celebrity reviewer na TV host at comedienne na si Maey Bautista; at ang aming ‘hatak-reviewer’ na isang turista at backpacker mula sa Makati, si Mildren Penales.  


Ang ‘Pop Talk’ ay isang weekly review and pop culture show kung saan pinag-uusapan kung sino, ano, at saan ang ‘uso,’ ‘hot’, at ‘trending’ ngayon.  Sama na sa inter-island adventure ngayong Martes sa ‘Pop Talk: 2nd Anniversary Special Part 1: Batanes Islands’,  March 12, Martes sa ganap na 10:00 ng gabi sa GMA NewsTV!
Tags: plug, batanes