Filtered By: Newstv
NewsTV
Ang pinakamasarap na carinderia sa Cebu, hahanapin ng 'Pop Talk!'
POP TALK SINULOG CARINDERIA January 08, 2013 Hindi lang litsunan, sutukil, at mga fastfood sa malls ang puwede n’yong puntahan kung balak n’yong mag-food trip sa Cebu lalo na ngayong Sinulog Festival. Dahil naghanap ang Pop Talk ng mga natatanging Cebu carinderia na naghahain ng masasarap at abot-kayang mga lutuin at ulam! Tatlong Cebu carinderia ang ating rerebyuhin: ang Original Conching’s Native Chicken and Fastfood, ang Joed’s Lutong Hapon at ang High Blood Station. Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating guest reviewers na sina Justinne Go na isang chef at food blogger sa babeforfood.blogspot.com, ang first runner up sa Miss Cebu 2012 na si Rachel Chloe Palang, at ang turistang Koreano na si Andy Kim! Huhusgahan nila ang tatlong Cebu carinderia base sa criteria na food, place at price. Aling carinderia ang mabibiyayaan ng pefect pop points? Alamin ngayong Martes, 10 ng gabi sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular