Filtered By: Newstv
NewsTV

Saan nga ba ang pinakamasarap na lechon sa Cebu?


POP TALK CEBU LECHON Airing Date: December 18, 2012   Isang linggo na lang ay Pasko na!   Sa maraming tahanan, pihadong bonggang eeksena sa hapag-kainan pang-Noche Buena ang lechon!  At kung lechon din lang ang pag-uusapan, pa-star diyan ang Cebu lechon. Tinagurian ng Time magazine na ‘best pig in Asia’ sa kanilang ‘Best of Asia 2009 List,’ ang Cebu lechon ay kilala na malutong, malasa, at hindi na kailangan pa ng sarsa.   Sa dami ng maglelechon sa Cebu, pumili kami ng tatlo na pumatok sa maraming parukyano. Ano ba ang meron sa mga lechon na ito?  ’Yan ang ating bubusisiin at  rerebyuhin.  Unang Cebu lechon sa listahan---ang Zubuchon na siyang nabinyagang ’best pig in Asia’!   Sunod ay ang  Rico’s Lechon, na nalasap na raw ang sarap sa Malacanang.     Ang pangatlo ay ang Ayer Lechon na may ipinagmamalaking boneless spicy lechon!   Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang head chef ng Marco Polo Cebu na 13 years nang kusinero na si Chef Anthony Gomez,  ang Cebuana beauty queen na isa ring radio dj na si Pierre Anther Infante, at ang turista-best friends na sina Em Eladia at Mayet Velaso-Sabile.  Huhusgahan nila ang tatlong Cebu lechon base sa criteria na yummy  factor, place, at price.  Siguradong matatakam ka sa ‘Pop Talk: Cebu Lechon’ ngayong Martes, December 18, 10PM sa GMA NewsTV.
Tags: plug