Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga bagsak-presyo toy stores, nahanap ni Kuya Tonipet Gaba!
POP TALK ‘Bagsak-Presyo Toy Stores’ Airing Date: December 04, 2012 Nalalapit na naman ang Pasko at panahon na naman para mag-shopping ng mga regalo, lalo na ng mga laruan para sa mga chikiting. Bukod sa malls at palengke, may iba pa kayong puwedeng pagpilian na bilihan ng murang-murang mga laruan para sa inyong mga anak at inaanak. ‘Eto at naghanap ang Pop Talk ng tatlong bagsak-presyo toy stores. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop? Una nang susugurin ang Unique Novelties and Toy Corporation sa San Francisco del Monte, Quezon City. Sunod ayang Anding’s Toys and Flowers sa Tutuban Mall, Manila, at last stop ang Uniwide Sales sa Gracepark, Caloocan City. Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ay ang ating expert pagdating sa tawaran, ang parenting blogger na full-time mom na si Lace Llanora-Coladilla, ang daddy at entrepreneur na si Jeff Curby Bustamante, at ang celebrity reviewer na finalist sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown na si Stef Prescott. Huhusgahan nila ang tatlong tindahan base sa criteria na variety ng mga paninda, comfort at security, at price range. Aling tindahan ang tatabo sa pop points? Alamin ngayong Martes sa ‘Pop Talk: Bagsak-Presyo Toy Stores,’ December 4, 10PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular