Filtered By: Newstv
NewsTV

Kapampangan food trip on tonight's 'Pop Talk'


POP TALK ‘Kapampangan Restos in the Metro’ Airing Date: November 27, 2012   Tinaguriang ‘culinary capital of the Philippines’ ang Pampanga. Kaya naman pagdating sa kainan, unang-una rin ito sa ating listahan. Pero, hindi na natin kailangan pang magbiyahe dahil naghanap ang Pop Talk ng mga resto na sapul ang sarap ng Kapampangan dining experience.   Tatlong Kapampangan restos in the metro ang ating rerebyuhin: ang Mangan Restaurant, ang Nathaniel’s, at ang O’ini Taste of Kapampangan. Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating guest reviewers: ang ating expert na Kapampangan Chef Jam Melchor, ang Kapampangan mommy na si Ana Kris Bustos, at ang celebrity reviewer na si Alden Richards. Huhusgahan nila ang tatlong restos base sa criteria na ’food, place, at price.’ Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?    Alamin ngayong Martes sa ‘Pop Talk: Kapampangan Restos in the Metro,’ November 27, 10 PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug, pampanga