Filtered By: Newstv
NewsTV

Waterproof cell phones, tampok sa 'Pop Talk!'


Airing Date: 02 October 2012 Naranasan n’yo na bang mabasa at masira ang inyong cellphone sa ulan, o kaya’y mahulog sa bahabeach, o comfort room?  Naubusan ka na ng hininga sa pag-ihip, at napudpod na ang kamay mo sa pagpunas at pagpatuyo ay wa-epek pa rin.  ‘Eto na ang Pop Talk at naghanap ng mga astig na waterproof cellphone na kakasa sa anumang pagkahulog at pagkabasa.   Tampok ang Sony Xperia Acro S, Samsung B2100, at Motorola Defy.  Kahit tatlong metro raw ang baha sa inyo, o maglublob ka pa sa favorite mong beach o giant balde, ang cellphone sa bulsa mo hindi su-surrender!   Pupurbahan ng Pop Talk ang tibay ng mga cell phone na ito.           Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang tech expert na si Mark Milan Macanas ng ‘Techpinas,’ isa sa pinakasikat na technology blogs sa Pilipinas.   Kasama rin si Lorraine Lapus, isang professional surfing coach na laging bitbit ang cellphone sa trabaho, at celebrity reviewer na si Rocco Nacino na isang gadget enthusiast.   Usapang gadgets na kontra-basa ngayong Martes sa Pop Talk: Waterproof Cellphones, October 02, 10PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug