Filtered By: Newstv
NewsTV

Batanes seafood dishes, ihahain sa 'Pinas Sarap'


 


Sa ating huling hirit ngayong tag-init, dadayo tayo sa dulong hilaga ng Luzon para bisitahin ang probinsiyang napalilibutan ng burol at karagatan, lugar na tila paraiso sa ganda ng mga tanawin at sagana rin sa mga nagsasarapang pagkain. Handa na ba kayo? Tara na sa mga isla ng Batanes!

 

 


Sa lawak ng kanilang karagatan hindi na nakapagtatakang seafood ang pangunahing pagkain ng mga Ivatan. Siguradong gaganahan kayong kumain kapag natikman niyo ang linamnam ng kanilang payi o rock lobster. Pero kung mahilig naman kayo sa shellfish, ang abong na karaniwang sinasabawan naman ang pambato ng mga Ivatan.

 

 


Bukod sa shellfish, mayaman din ang kanilang dagat sa naglalakihang mga isda gaya ng Arayu o Dorado na lumalaki ng hanggang 1.5 meters ang haba at umaabot ng 15 kilos ang bigat. Ilan sa ipinagmamalaki nilang luto dito ang adobong dorado sa gata, cocidong dorado at buttered grilled dorado.Isa pang isda na madalas nilang iluto, ang flying fish o dibang. Ang paborito nilang putahe dito, ang ‘lataven’ o kinilaw na dibang at lumpiang dibang.

 

 


Dahil sa lakas ng hangin sa probinsiya, tinaguriang “land of the howling winds” ang Batanes. Pero bukod sa malalakas na hangin, madalas din itong bayuhin ng malalakas na bagyo.Tuwing may bagyo, malaking hamon ang suplay ng pagkain sa probinsiya. Kaya naman ang mga Ivatan, may iba’t ibang paraan para mapreserba ang pagkain. Pangunahin na dito ang pagdadaing at ang dorado at dibang ang madalas nilang idaing na isda. Pero kung hindi naman sila makapangisda dahil sa lakas ng alon, nangunguha sila ng humot o lumot. Maniniwala ba kayo na ang lumot pwedeng gawing salad o kaya naman ay soup?

 

 


Tutok na sa part 1 ng foodtrip natin sa mga isla ng Batanes sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap  ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!

 

English version:

This Thursday, we will travel to the northern most part of Luzon to visit a province that is surrounded by hills and ocean, a beautiful paradise with delectable dishes. Are you ready to travel to the island of Batanes?

In the vastness of the waters, it is not a wonder that seafood is the main food of the Ivatans, the people in Batanes. Their rock lobster is to die for. And if you like shellfish, try their “abong” that is usually served with soup.

Aside from shellfish, their ocean is also rich in huge fishes like Dorado that reaches up to 1.5 meters long and up to 15 kilos in weight. Some of the popular dishes are dorado in coconut milk, cocido dorado, and buttered grilled dorado. Another fish that is commonly cooked is flying fish that is usually prepared as ceviche and as spring rolls.

Batanes is known as the land of the howling winds. Aside from the strong winds, the province is also often affected by the storm. Whenever there’s a storm, the supply of food is a challenge in the province. Because of this, the Ivatans have different ways of preserving their foods. They dry their fishes like dorado and flying fish. But if they cannot go the sea to fish due to strong waves, they gather seaweeds in the sea shore and use it in their salad and soup.

Do not miss the first part of Batanes food trip in the yummiest food program in television, Pinas Sarap, Thursday, 10:15pm on GMA News TV!

Tags: karadavid