Filtered By: Newstv
NewsTV

Malinamnam na itik dishes, ihahain sa 'Pinas Sarap'


 

Malansa at mamantika. Ito ang karaniwang impresyon ng mga tao sa mga putaheng gawa sa karne ng mallard ducks o itik. Kaya naman ang karamihan, natatakot tikman ang mga itik dish. Pero sa totoo lang, ang mga lutuin sa karne ng itik, masarap, malinamnam at masustansya! Ngayong Huwebes, samahan si Kara David tikman ang mga ipinagmamalaking itik dishes ng Angono, Rizal at Victoria, Laguna.

 


Kapag specialty dish ng Angono ang pag-uusapan, crispy fried itik ang number 1! Sasadyain at kikilalanin ni Kara ang sinasabing nagpasimula ng putaheng ito, ang 81 year old na si Aling Plonia. Ano kaya ang secret ingredient sa masarap niyang fried itik recipe? Bukod sa sa fried itik, siguradong gaganahan din ang mga bibista sa Angono sa sarap ng Kalderetang itik at adobong itik sa gata.

 

 
Victoria Laguna, pag-aalaga ng itik ang pangunahing industriya. Mahigit tatlong dekada na ang duck farm nila Leo. Isa sila sa mga pangunahing supplier ng balut, penoy at itlog na maalat sa Metro Manila at kalapit na probinsiya. Pero kapag bumisita ka sa farm and restaurant nila, dapat daw subukan ang nagsasarapan nilang itik dishes, ang duck sisig at duck barbecue.

 

 

Pero kung gusto niyo naman ng itik dish na may twist, tikman na ang itik pizza at shawarmatik.

 

 

 


Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!

 

English:

Slimy and oily; this is the common impression of people in the dishes prepared using itik or mallard ducks. Because of this, some people try to avoid eating ducks. But do you know that dishes cooked in ducks are flavorful, delicious and nutritious? This thursday, join Kara David as she tries out the famous itik dishes of Angono, Rizal and Victoria, Laguna.

 

Crispy fried itik is the number 1 specialty dish of Angono. Kara will visit and get to know the person who started the dish. The 81 year old Polina share the secret ingredient in her yummy fried itik recipe? Aside from fried duck, visitors of Angono will also like their kalderetang itik and adobong itik in coconut sauce.

 

In Victoria, Laguna, duck livestock is their main industry. Leo’s duck farm has been standing for more than three decades. They are one of the main suppliers of eggs for balut, penoy and salted eggs in Metro Manila and nearby provinces. And when you visit in their farm and restaurant, you must try their yummy itik dishes, their duck sisig and duck barbecue.

 

But if you like duck dish with a twist, try the itik pizza and shawarmatik.

 

Please watch the yummiest food program on television, Pinas Sarap Thursday 10:15pm on GMA News TV Channel 11!

Tags: karadavid