Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang bersiyon ng kare-kare, ihahain sa 'Pinas Sarap'


 


Putaheng may karne at gulay na pinasarap ng malapot at mamula-mulang sarsa. Madalas ihanda tuwing may okasyon o fiesta. Alam niyo na ba ang next dish na ating titikman? Ang isa sa paborito nating mga Pilipino, ang kare-kare! Ngayong Huwebes  samahan si Kara David alamin ang kuwento sa likod ng putaheng ito. Saan nga ba ito nagmula at ano ang mga pagbabagong pinagdaanan nito sa paglipas ng panahon?

 

 


Kung pinagmulan ng kare-kare ang pag-uusapan, may dalawang sikat na kuwento kung saan ito nanggaling, ang kari ng sinaunang Kapampangan at kaikaari ng mga Sepoy o mga Sundalong Indian na nanirahan sa Pilipinas. Parehong titikman ito ni Kara at aalamin ang kaibahan at pagkakatulad nito sa kare-kareng kilala natin ngayon.

 


Karaniwang gawa sa buntot ng baka at tuwalya ng baka ang kare-kare, pero sa paglipas ng panahon nagkaroon ito ng iba’t ibang bersyon, gaya ng crispy pata kare-kare na patok sa mga meat lovers, habang ang seafood kare kare naman pinasarap ng sole fish, squid, tahong at hipon. Kung mahilig naman kayo sa gulay, para sa inyo ang vegetable kare-kare.

 

 


Ang ilang restaurant, inilevel-up ang kare-kare at nilagyan ng international twist, gaya ng kare-kare burrito na fusion ng Filipino at Mexican cuisine at ang kare-kare banh mi na Vietnamese inspired sandwich.

 

 


Mahilig ba kayo sa Kare-kare? Hindi niyo pwedeng palampasin ito, kaya tutok na at magpakabusog ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11 sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap!


English:

Dishes with meat and vegetables that is served with mouthwatering orange colored sauce. This is usually seen in table in every occasion or fiesta. It is one of Pinoy’s favourite dishes, kare-kare! This Thursday, join Kara David as she digs the story behind this dish. Where did kare-kare come from and what are the changes made through the years?

There are two popular stories of the origin of kare-kare.  The kari of ancient kapampangans and kaikaari of Sepoys of the Indian Soldiers that lived in the Philippines. Kara will try both version and will learn the similarities and differences of the dishes from the kare-kare that we know today.

Kare-kare is usually prepared with the cow’s tail and ox tripe, but as time passes the dish has various versions like crispy pata kare-kare that meat lovers like, and the seafood kare-kare that has sole fish, squids, mussels, and shrimps.and if you love vegetables, there is also vegetable kare-kare.

Some restaurants made their international twist versions of kare-kare, like kare-kare burrito that is a fusion of Filipino and Mexican cuisine and kare-kare banh mi, a Vietnamese inspired sandwich.

Do you love kare-kare? You must not miss watching Pinas Sarap this Thursday, 10:15pm on GMA News TV channel 11!

Tags: karadavid