Paboritong tinapay ng mga Pinoy, ihahain sa 'Pinas Sarap'
Ngayong Huwebes, samahan si Kara David na tikman ang lambot at linamnam ng mga tinapay na paborito nating mga Filipino! Mga tinapay na hindi lang sa sarap mayaman, pati na rin sa kasaysayan.
Sa mahigit tatlongdaang taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, isa sa pinakamahalagang kasanayan na kanilang itinuro ang paggawa ng tinapay! Kaya naman ang ilan sa all-time favorite bread nating mga Pilipino, ang pangalan nasa wikang espanyol! Sasadyain ni Kara ang pinakamatandang panaderya sa Quezon City, ang Kamuning Bakery para tikman ang mga tinapay na wikang espanyol ang pangalan gaya ng pan de sal, pan de suelo, pan de espana , pan de coco at iba pa.
Dadayo din si Kara sa iba’t ibang bayan sa Bulacan para alamin ang kuwento sa likod ng ipinagmamalaki nilang heirloom bread recipe, gaya ng Minasa, ensaymadang Malolos, inipit de leche at empanada de kaliskis. May mga tinapay din na may kakaibang pangalan, na sa lasa at aroma pa lang, malalasap na ang taglay nitong sarap. Pero ang mga tinapay na pinaso at gurgurya ng Malolos Bulacan, sinasabing nanganganib ng mawala at tuluyan nang makalimutan.
Kung mahilig kayo sa tinapay, tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!
English version:
This Thursday, join Kara David as she tries the soft and chewy breads that many Filipino loves. These breads are not just rich in flavor, but also rich in history.
In the more than three hundred years of colonization of Spanish in the Philippines, one of the most important things that they passed on us is bread making. In fact, some of our all-time favorite breads were named in Spanish. Kara will visit Kamuning Bakery, the oldest bakery in Quezon City to try out the Spanish-inspired names such as pan de sal, pan de suelo, pan de espana, pan de coco and many more.
Kara will also travel to different places in Bulacan to learn the history behind their heirloom bread recipes like Minasa, ensaymada Malolos, inipit de leche and empanada de kaliskis. There are also breads with unique names with flavor and aroma that will leave you wanting for more. However, recipes like pinaso and gurgurya of Malolos are threatened to be gone and forgotten.
If you like eating bread, you must not miss watching the yummiest food program on television, Pinas Sarap, Thursday, 10:15pm on GMA News TV Channel 11!