Exotic Dishes ng Pampanga, ihahain sa 'Pinas Sarap'
Tinaguriang Culinary Capital of the Philippines ang Pampanga. Ilan sa trademark dishes nito ay ang Bringhe, Sisig at Lechon Hurno. Pero alam niyo ba na ang ilan sa mga nagsasarapang lutong Kapampangan ay may kakaibang sangkap? Samahan si Kara David na tikman ang exotic dishes ng Pampanga!
Pinandidirihan ng karamihan ang palaka. Pero sa Pampanga itinuturing itong isang delicacy. Sa katunayan mayroon silang iba’t ibang palaka dishes gaya ng Tinolang palaka, Fried palaka, Kare-Kare Kokak at Betute Tugak o stuffed frog!
Palayan ang malaking bahagi ng land area sa Pampanga. At ang kalaban ng mga magsasaka, ang mga peste gaya ng camaru, golden kuhol at dagang bukid! Pero para mapakinabangan, ang mga peste ginawa nilang masarap na putahe. Titikman niyo ba ang ginisang camaru, ginataang kuhol at adobong daga?
Kung naghahanap kayo ng bago sa panlasa, tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!
English version:
Pampanga is known as the Culinary Capital of the Philippines. Some of the trademark dishes are Bringhe, Sisig and lechon Hurno. But do you know that some of the yummy kapampangan dishes have unique ingredients? Join Kara David as the tries out exotic dishes of Pampanga.
Some people loathe frogs. But in Pampanga, this is considered as a delicacy. In fact, they have various frog dishes like frog tinola, fried frog, frog Kare-kare and stuffed frog.
Big amounts of land in Pampanga are rice fields. The enemies of the farmers are pests like camaru or mole cricket, golden snail and field mice. But the kapampangans found a way to make these pests useful, by cooking them. Will you taste sauteed camaru, snail in coconut milk, and mice adobo?
If you want to challenge you palette and try different dish, do not miss watching the yummiest food program on TV, Pinas Sarap, Thursday, 10:15pm on GMA News TV!