Filtered By: Newstv
NewsTV

Ilocano vegetable dishes, ihahain sa 'Pinas Sarap'


 


Ngayong Huwebes sa huling yugto ng paglalakbay natin sa Ilocandia, samahan si Kara David tikman naman ang masasarap na gulay recipes.

 


Isa sa paboritong gulay dish nating mga Pilipino na pinasarap ng bagoong, certified na tatak Ilocano, ang Pinakbet! Mula ito sa Ilocano word na ‘pinakebet’ na ang salin sa English ay ‘to shrink.’ Niluluto kasi nang maigi ang mga gulay hanggang sa lumiit ang mga ito. At dahil likas na matipid, puro gulay at walang sahog na karne ang tradisyunal na pinakbet ng mga ilokano. Sa isang farm sa Caoayan Ilocos Sur, namitas at nag-ani ng mga sariwang gulay si Kara para iluto ng Pinakbet.

Iba’t ibang pinakbet dish din ang ating matitikman gaya ng pinakbet pizza, baked pinakbits at pakbonarra o pinakbet carbonarra.

 


Isa pang veggie dish na madalas ihain sa hapag ng mga Ilocano ang dinengdeng. Nahahawig ito sa pinakbet, pero ang kaibahan ay mas masabaw ang dinengdeng. At ‘di tulad ng pinakbet na mga bungang gulay ang sangkap, mga dahon at bulaklak na gulay naman ang karaniwang isinasahog sa dinengdeng. Madalas din itong sinasahugan ng pinrito o inihaw na isda bilang pampalasa.
Ang ilan namang gulay dish na Ilocano, may kakaibang pangalan. Narinig niyo na ba ang lutong dinuydoy at poqui-poqui?

 


Huwag palalagpasin ang huling yugto ng ating Ilocos foodtrip, ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11 sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap!

English version:

Join Kara David as she tries out the fresh vegetable recipes of Ilocos, in part 2 of Pinas Sarap’s trip to Ilocandia.

One of the most favorite vegetable dishes of Filipinos is flavored with anchovies -  a certified Ilocano dish called Pinakbet. It is derived from the word ‘pinakebet’ which means ‘to shrink’. This is because the dish is cooked until the veggies shrink or shrivelled. 

And because Ilocanos are by tradition frugal, the dish consists mostly of vegetables and hardly any meat. In a farm in Caoayan, Ilocos Sur, Kara picked fresh vegetables with which to prepare her pinakbet.

There are various Pinakbet dishes you could choose from such as the pinakbet pizza, baked pinakbits, and pakbonarra or pinakbet carbonarra.  

Another veggie dish that is commonly served by the Ilocanos is dinengdeng. It is similar to pinakbet but more soup-y. And unlike pinakbet where the main vegetables used are the fruit type like eggplant, squash, and bitter melon -- in dinengdeng, it's mostly the leafy kind. Fried or roasted fish is also added to dinengdeng.


Other veggie dishes of Ilocanos with peculiar names like lutong dinuydoy and poqui-poqui will also be featured.

Do not miss the last part of our Ilocos foodtrip, this Thursday, 10:15pm on GMA News TV channel 11, on the yummiest food program on television, Pinas Sarap!

Tags: karadavid