'Poor man's drink' ng Pilipinas na lambanog, titikman sa 'Pinas Sarap!'
Binyag, kaarawan, pamamanhikan, kasal, fiesta at iba pang kasiyahan, bahagi ang inuming ito ng mahahalagang okasyon sa kulturang Pilipino. Pero ngayon, hindi na lang ito inumin, sangkap na rin sa pagkain. Samahan si Kara David tuklasin ang kuwento sa likod ng tinaguriang “poor man’s drink ng Pilipinas” - ang lambanog!
Mahigit isangdaang taon na mula mang matikman ng mga Pilipino ang lambanog. Gawa ito sa tuba o katas mula sa bulaklak ng niyog. Pangangarit ang tawag sa pagkuha ng tuba. May kaakibat na panganib ang pangangarit dahil mga kawayan lamang ang nagsisilbing tulay para makalipat sa iba’t ibang puno ng niyog. Kaya naman doble ingat si Kara sa pangangarit, hindi kasi bababa sa dalawampung talampakan ang taas ng puno.
Para maipakilala naman sa mga bagong henerasyon, ang lambanog binihisan at hinaluan ng iba’t ibang flavors gaya ng prunes, grapes at bubble gum. Naging moderno na rin ang paggawa dito para makasabay sa iba pang international distilled spirits gaya ng sake, soju at vodka.
At ang lambanog, sangkap na rin sa ulam at panghimagas ngayon. Isang chef sa probinsiya ng Quezon na ihalo sa ilan niyang specialty dish ang lambanog gaya ng sinigang na hipon sa buko at budin cake.
Tutok na ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11 sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap!