Filtered by: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Makati!


 


Sa Biyernes, hindi na lalayo si Drew para makadisubre ng mga maganda, masarap at kakaiba. Handa na ba kayong libutin ang Wall Street of the Philippines? Kung oo, samahan si Drew Arellano sa Makati!

Unang uusisain ni Drew ang mainstay sa mga kalye ng Makati, ang Jolli Jeep. Ever reliable at ever present, ang mga mobile eatery na ito ang nagpapabusog sa mga masisipag na workforce ng business district.



Matapos ang kaniyang Jolli Jeep meal, lilubutin naman ni Drew ang siyudad. Una sa itinerary ang Museo de Makati para muling balikan ang nakaraan nito. Sunod ang Kalbaryo o mga temporary chapel na itinatayo tuwing Semana Santa. At siyempre, hindi lalampasan ni Drew ang Church of St. Peter and Paul o Virgen dela Rosa de Macati Church na tatlong daan taon nang nakatayo.

Muling babalikan ni Drew ang Makati Cinema Square, ang kauna-unahang sinehan sa buong Makati na itinayo noong 1980s . Lilibutin niya ang kaloob-looban ng iconic building na ito. Ano kaya ang madidiskubre niya?



Siyempre hindi mawawala ang kainan sa kahit na ano’ng biyahe, malayo man o malapit. Bibisitahin ni Drew ang Emers, isa sa pinakamatatandang kainan dito. Ilan sa classic dishes nila ay ang Cuapao, sipao, at Chinese pork adobo.  Para naman sa Japanese food lovers, nariyan ang Little Tokyo na naghahain ng authentic Japanese Ramen.

Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.