Pinagmulan ng Bicol express, aalamin sa pilot episode ng 'Pinas Sarap!'
Handa na ba kayong maglakbay, matuto, at mabusog?
Simula ngayong Huwebes, mapapanuod na ang programang hindi lamang magtuturo sa inyo kung paano magluto, kundi magbabahagi rin ng kaalaman sa kasaysayan at kultura sa likod ng mga putaheng Pilipino, ang Pinas Sarap! Samahan si Kara David sa natatanging biyahe na bubusog sa inyong tiyan at isipan.
Sa unang episode ng Pinas Sarap, maglalakbay si Kara mula Maynila hanggang sa Bicol para tuklasin ang pinagmulan ng putaheng susubok sa tapang ng iyong panlasa, ang Bicol Express.
At para mas Pinas Sarap ang Bicol Express, sasamahan ni Kara na manghuli ang mga mangingisda sa dagat ng balaw o alamang na hilaw para sariwa ang sangkap sa ating bicol express.
Kilalang mga ‘uragon’ o matatapang ang mga Bicolano, kaya naman ang bagsik ng anghang ng sili, inihahalo nila sa kanilang mga iniluluto. Pero, alam niyo ba na ang Bicol express na pagkain ay nagmula sa tawag sa tren na bumibiyahe dati mula Maynila papuntang Bicol? Isa lang iyan sa mga matututunan niyo ngayong huwebes ng gabi.
Tikman ang linamnam ng mga lutuing Pilipino sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!