Filtered By: Newstv
NewsTV

Shooting ng "Sa Puso Ni Dok," nagsimula na


Nagsimula na ang shoot ng Sa Puso ni Dok na pinangungunahan ng award-winning actor na si Dennis Trillo at batikang aktres na si Bela Padilla. Ito ay medical series kung saan ipinapakita ang problema ng mga Pampublikong Ospital sa Pilipinas.  Ipapakita rin dito ang kabayanihan ng mga doktor at iba pang medical staff ng Public Hospitals.

 

Isang Doktor si Dennis bilang si Doc Dennis sa Melchora Aquino General Hospital, isang pampublikong Ospital.  Sa kabila ng liit ng sweldo at kulang-kulang na gamit, pinili niyang manatili dito para makapaglingkod sa kaniyang kababayan habang si Doc Gab o Gabrielle na gagampanan ni Bela Padilla ay papasok sa pampublikong Ospital bago tuluyang lumipad sa ibang bansa.  Bahagi ng kaniyang return service program ang magtrabaho muna sa pampublikong Ospital ng dalawang taon.  Dito, malalaman ni Doc Gab ang mga kakulangan ng Ospital at ang korapsyon na nagaganap sa Ospital.

 
ER scene with Direk Adolf Alix, Dennis and the patient  


Bela's character, Doc Gab, saves a victim from bus accident

Sa shoot pa lang ng unang episode, na-challenge na ang batikang aktor na si Dennis dahil kinailangan niyang mag-aral magmaneho ng motorsiklo sa shoot.  Kasama kasi ito sa kaniyang role bilang doktor sa probinsya kung saan may mga pasyente na naabot lang gamit ang motorsiklo.  Kinuwento niya sa amin na noong una na medyo hindi siya kumportable, nagkaroon raw kasi siya ng aksidente noon.  Pero hindi siya tumanggi sa aming request na subukang aralin ang pagmamaneho sa tulong ng instructor.  At mula noong unang beses siyang natuto hanggang sa ikaapat na araw ng shoot, malayo na ang kaniyang narating.  Komportable na siyang magmaneho kahit walang tulong ng handler ng bike.


Bike instructor teaching Dennis to operate the motorcycle

Habang si Bela Padilla naman ay kumakain ng taho, dirty ice cream at kung anu-ano pa sa kalsada kasama ang mga staff at crew tuwing break.  Pareho sila ni Dennis na professional, magaling na mga artista at magaan katrabaho.


Bela previewing the shoot with writer-director Zig Dulay

Sa unang episode ng Sa Puso ni Dok, magkakaroon ng bus accident kung saan marami ang magiging biktima.  Ipakikita sa episode na ito ang hamon sa Ospital at sa mga doktor sa ganitong aksidente.   
 
Maging sa staff, naging challenging ang shoot ng unang episode dahil kinailangang magpatumba ng actual na bus at ang mga biktima sa bus, nilagyan ng prosthetics para magmukhang makatotohanan at maaksyon ang mga eksena.


Director Adolf Alix joining the men in pushing the bus

 

Prosthetic artist in action

Malapit nang mapanood ang unang episode ng Sa Puso ni Dok sa July 26, 2014, Sabado, 7pm, sa GMA News TV!
Tags: plug