ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga umaatikabong bakbakan, saksihan sa 'News TV All Sports'




News TV All Sports
January 18, 2015
Sunday (10 am–12 nn)
 
Simulan ang inyong Sports Sundaysa Tahanan ng mga Kampeon!
 
Mga laban mula sa Mindanao at Mexico ang hatid namin ngayong Linggo dito sa Tahanan ng mga Kampeon. Apat na boksingero mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang maghaharap harap sa Mindanao.
 
Pangungunahan ng six-round action nina Reynold Valencia ng Bukidnon at Bryan Capangpangan ng Lanao del Norte.
 
Susundan ng bakbakan para sa super flyweight division nina Jonathan Francisco at Jonas Sultan.
 
Hindi rin paaawat sa aksyon ang four-round na sagupaan nina Jaylord Montesa at Eric Mansira.

 
Tutukan din ang pagpapakitang gilas ng mga bagito pero mabibilis at maliliksing boksingero na sina Kim Dangan at Dexter Alimento.
 
Dumayo naman tayo sa Mexico para sa dalawang tapatang inyong pananabikan.
 
Matitikman na kaya ni Alejandro “Cobrita “ Gonzales Jr. ang kanyang unang pagkatalo sa six-round na laban niya kontra kay Noe Martinez Raygoza?

 
At sa ating main event, maghaharap ang matitinding boxing prospect ng Mexico. Aaron “La Joya “ Herrera at Zaid Zavaleta. Sa eight-round full packed na labang ito. itataya ni Herrera ang malinis niyang kartada.
 
Di na namin kayo paghihintayin. Simulan na natin agad ang aksyon dito sa Tahanan ng mga Kampeon, ang GMA News TV All Sports!