Filtered By: Newstv
NewsTV

Dalawang kahanga-hangang PWD, kikilalanin sa 'Motorcycle Diaries'



Sa kahabaan ng Ilocos Norte-Apayao Road, nakilala ni Jay Taruc ang astig na rider na si Amboy. Sa tikas niya sa pagmamaneho ng motorsiklo hindi mo aakalaing isa siyang PWD o Person With Disability. Otso anyos pa lang siya ng malumpo. Pero hindi raw naging hadlang ito para siya’y maghanapbuhay.  Sa katunayan, nakapagtayo siya ng sariling vulcanizing shop. Ang mas nakabibilib, siya mismo ang nagpapalit at nag-aayos ng nabutas na gulong.


Kahanga-hanga rin ang magsasakang si Eddie. Ipinanganak siyang walang mga paa. Pero sa kabila ng kapansanan ay nagagawa niyang makapagsaka. Bukod sa pagtatanim ng palay, kaya niya ring mag-gabay ng ararong hila-hila ng kalabaw.


Angkas na ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11, sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries!