Filtered By: Newstv
NewsTV
MOTORCYCLE DIARIES

Part 2 ng Quirino Expedition, lalarga na!


Discover the undiscovered! Ito ang tagline ng probinsiya ng Quirino. Sa pagpapatuloy ng ating ekspedisyon, tutuklasin nila Jay ang natatagong ganda ng probinsiya.
 

 

 

Pinakamalaking munisipyo ng Quirino ang bayan ng Nagtipunan. Dito matatagpuan ang mga natatanging tanawin ng lalawigan gaya ng Landingan Viewpoint, Mactol Falls, Aglipay Cave, Bimmapor Rock Formation at Siitan River. Panghatak nila sa turista ang mga sports at outdoor activities tulad ng wall climbing, caving, water tubing at cliff diving! At para mapasyalan ang mga atraksyong ito, sinamahan pa sila Jay ng isang local rider group!
 

 

 

Matapos mag roadtrip, nag foodtrip naman sila Jay para tikman ang kakaibang sarap ng mga putaheng tatak Quirino! Dito lang daw sa Quirino matitikman ang espesyal na minatamis na kung tawagin ay Tubikoy! Meron itong pinaghalong sarap ng mga kilalang panghimagas na tupig, bibingka at tikoy! Siguradong masusubok naman ang tatag ng iyong sikmura sa exotic food na Tateg, ang tawag nila sa mala uod na larva ng salagubang! Nakukuha ang mga tateg sa mga natumbang punongkahoy. Kakasa kaya sila Jay sa hamon na pagkain ng Tateg?
 
 
Nasaksihan din nila Jay ang mainit na pagtangkilik ng mga taga Quirino sa isang karerang may negatibong imahe, ang drag racing! Ito ang imaheng nais baguhin ng mga taga Quirino. Kaya ang drag racing sa kanilang lugar, may basbas ng pamahalaan. Sa katunayan, bahagi ito ng kanilang taunang Motorismo Festival. Sa kompetisyong ito, hindi pera ang nakapusta kundi karangalan.
 

 

 

 
Tutok na sa huling yugto ng aming 2 part series Quirino Expedition ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries: Live the Ride!
Tags: pr