Filtered By: Newstv
NewsTV
Iba't ibang custom bikes, haharurot sa 'Motorcycle Diaries'
Ngayong Huwebes sa Motorcycle Diaries, patutunayan ng mga Pinoy riders na hindi nagtatapos sa pagsakay ng motor ang kanilang husay at talento. Dahil sa kanilang malilikhaing kamay at malawak na imahinasyon, ang simpleng motorsiklo maaaring maging work of art!
Sa bawat banayad na hagod niya sa pagpinta, mababakas ang pagiging malikhain at disiplina. Pero ang mas nakabibilib… ang kanyang canvas sa paglikha ng mga obra maestra, hindi papel kundi motor! Samahan si Jay kilalanin si Noel Marfori na isa sa pinakamahusay na airbrush artist at custom bike builder sa bansa.
Bumibida na rin sa mga motorsiklo ang pinakasikat na pusa sa buong mundo! Magmula kasi sa body ng motor, hanggang sa susian at accessories tulad ng utility bag, salamin at decals, kitang-kita ang pagkahumaling ng may-ari ng motor kay Hello Kitty! Tara na’t makiangkas sa cute na cute na Hello Kitty-inspired scooter!
Agaw pansin naman sa kalsada ang motor na si “Pink Joyride!” Mayroon itong rear camera, isang dosenang lcd monitor at may smoke machine pa! Kumpleto rin ang audio setup nito na may iba’t ibang speakers. Pero pagsapit ng gabi, higit daw lumalabas ang astig nitong porma. Dahil sa mahigit isang libong LED lights na nakakabit dito, siguradong magliliwanag ang bawat kalsadang daraanan ni “Pink Joyride!”
Kumasa naman sa aming kakaibang hamon ang astig Kapuso hunk na si Ervic Vijandre! Una siyang nakilala bilang isa sa mga castaway ng Survivor Philippines at kalaunan hindi na rin nagpahuli pagdating sa acting! Pero ang hindi alam ng karamihan, certified rider din si Ervic! Mula Maynila bumiyahe siya papunta sa probinsiya ng Quezon sakay ng motorsiklo para subukan ang industriya sa likod ng latak ng niyog. Kayanin niya kaya ang peligro at masangsang na amoy na kaakibat sa paggawa ng black oil?
Tutok na ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries: Live the Ride!
Tags: pr
More Videos
Most Popular