Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga motorcyle-themed na restaurant, dadayuhin nina Jay Taruc at Kuya Tonipet sa 'Motorcycle Diaries'




#MDLiveTheRide
August 20, 2015
 
Hindi kayo namamalikmata, pero hindi rin ito "Pop Talk"--- kahit pa ang makakasama ni Jay Taruc para diskubrehin at libutin ang mga motorcycle-themed restaurant ay walang iba kundi si Kuya Tonipet Gaba!  Pop o flop kaya ang kaniyang Motorcycle Diaries experience dahil for the first time, sasakay siya kasama ni Jay Taruc sa motorsiklo para mag-foodtrip. Pop o Flop din kaya sa panlasa ng mga Pinoy rider ang tatlong motorcycle-themed restaurant na kanilang bibisitahin?


 
“The Filipino spirit is waterproof.” Kaya sa kabila ng mga bagyo at matinding pagbaha, hindi natitinag ang mga Pinoy. Sa katunayan, nakaimbento pa ang mga Pinoy ng motorsiklong umaandar sa tubig, ang Salamander! Ito ang kauna-unahang amphibious tricycle sa mundo.
?
Pero bukod sa Salamander, marami pa ang mga paandar na motorsiklong nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga Pinoy, gaya ng kotsekel o mga tricycle na may disenyong kotse.
 ??
Angkas na sa isa na namang natatanging paglalakbay ngayong Huwebes, 10 PM sa 2015 New York Festivals Bronze Medalist --- MOTORCYCLE DIARIES: Live the Ride, sa GMA News TV!