Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga Kapuso reporters aarangkada sa 'Motorcycle Diaries'


RIDING REPORTERS AND MINI BIKES ON MOTORCYCLE DIARIES!
 
Sina Susan Enriquez, Ivan Mayrina at Chino Gaston ----ilan sa mga batikang Kapuso Reporters natin  titigil muna sa paghahatid ng umaatikabong balita dahil ibang mainit na aksyon naman ang kanilang susuungin ngayong Huwebes sa Motorcycle Diaries.

Kinagigiliwan ng mga manonood ang istilo ng reporter na si Susan Enriquez sa pagbabalita. Pero ‘di raw siya dapat ismolin dahil saan mang lugar siya isabak, wala siyang sitwasyong inuurungan! Pero kumasa kaya siya sa hamon ni Jay sa kanyang kauna-unahang pag-angkas sa big bike? Kakasa rin kaya si Jay sa hamon ni Susan sa kanya sa palengke?
 
 
 
Ang GMA News anchor at reporter na si Ivan Mayrina, hindi lang serbisyong totoo ang first love---kundi pagmomotorsiklo rin! Sasamahan siya ng Motorcycle Diaries sa kanyang roadtrip papuntang Subic.


 
Nakilala naman ang reporter na si Chino Gaston sa pagbabalita ng mga kalamidad at peligro. Pero sa likod ng pag-uulat marami ang hindi nakakaalam na isa palang motorcycle rider si Chino. Sa isang pambihirang roadtrip, makapal na hamog ang susubok sa husay nina Jay at Chino sa pagpapatakbo ng motorsiklo.At bukod sa pagpapatakbo ng motor,  isa rin palang bike restorer si Chino.


 
 
Mula sa mga vintage motorcycle na inaayos at pinagaganda ni Chino, sisilipin din natin ang isang garahe sa Taytay Rizal na eksperto naman sa pagre-restore ng mga mini bike. Hindi hamak na mas maliit ang mga mini bike kumpara sa karaniwang motor, pero hindi naman daw ito magpapahuli sa pagharurot sa kalye.

 
Huwag bibitiw sa ating roadtrip ngayong Huwebes 10PM sa 2015  New York Festivals Bronze World Medalist ---  MOTORCYCLE DIARIES sa GMA NEWSTV channel 11!
 
Tags: pr, plug, prstory