Filtered By: Newstv
NewsTV
Glaiza de Castro, susunod na aangkas sa 'Motorcycle Diaries'
Ngayong Huwebes, angkas na sa motor ni Jay sa isang espesyal na roadtrip para kilalanin ang ilan nating Kapuso na umaarangkada sa kani-kanilang larangan!
Mapapanuod sa bagong teleseryeng "The Rich Man's Daughter" ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Mapa -telebisyon man o pelikula, iba’t ibang papel na ang kanyang ginampanan. Pero lingid sa kaalaman ng marami hindi rin pahuhuli si Glaiza pagdating sa kantahan!
Sa kauna-unahang pagkakataon, aangkas si Glaiza kay Jay at makiki-rock 'en roll. Sa isang musical roadtrip, susuyurin nina Jay at Glaiza ang Kamaynilaan para maghanap ng mga rare vinyl records o lumang plaka!
Mala "King of Restoration"-Pinoy Style - ang sasadyain ni Jay sa San Pablo, Laguna. Dinarayo nga raw ng mga motorcycle collectors at enthusiasts ang talyer ni Elmer ng Laguna Choppers dahil ang mga bulok at sira-sirang motor, nagagawan niyang bihisan at pagmukhaing bago!
Matunog naman sa mundo ng Motocross Competion ang pangalan ni Kenneth San Andres. Tatlong taong gulang pa lang siya ng kakitaan ng interes sa motorsiklo. Sa ngayon, hindi na nga mabilang ang tropeo at medalyang nakuha niya sa loob ng dalawang dekadang paglaban sa motocross competitions. Pero masusubok ang kanyang husay at galing sa racetrack ngayong maghaharap sila ng world champion na si Daryll King sa isang natatanging Motocross Competition.
Kapit nang mahigpit sa patuloy na paghuhurot ng ating summer roadtrip sa 2015 New York Festivals Bronze World Medalist --- Motorcycle Diaries ngayong Huwebes 10 PM sa GMA News TV channel 11!
More Videos
Most Popular