Filtered by: Newstv
NewsTV
Sama na sa isang action-packed tour sa Ilocos, ngayong Huwebes sa 'Motorcycle Diaries'

Ngayong Summer, panahon para bumiyahe-- umarangkada sa isang lugar na puno ng adventure at mga bagong matutuklasan! Kaya sakay ng kanyang motorsiklo, haharurot si Jay Taruc at ang kanyang Motorcycle Diaries Team para sa dalawang bahaging Biyaheng Ilocandia mula Ilocos Sur hanggang Ilocos Norte!
Mula sa white sand beaches ng Pagudpod at sikat na sand dunes ng Paoay, iba’t ibang summer fun activities ang ating susubukan. Makikisaya rin tayo sa mga natatanging pista at makikitikim ng mga putaheng binigyan ng bagong bihis na tunay na ipinagmamalaki ng Ilocos.

Tuwing huling linggo ng Marso, ipinagdiriwang ng lungsod ng Candon ang Calamay at Cornik Festival! Kayanin kaya ni Jay ang hamon ng pagsali sa Calamay eating contest?

Sa mala-disyertong ganda ng Paoay Sand Dunes lang masusubukan ang ilang extreme activities sa buhangin gaya ng 4x4 ride at all terrain vehicle o ATV ride. Samahan si Jay subukan sa kauna-unahang pagkakataon ang pagsakay sa ATV sa buhangin.

Sa paglilibot ni Jay ilang obra ang nakita niya sa sand dunes gaya ng installation arts na likha ng world-class sculptor na si Leeroy New at ang estatwa ni Elsa , ang karakter na ginampanan ni Superstar Nora Aunor sa pelikulang “Himala.”

Mula sa maalinsangang sand dunes ng Paoay, tara at magpalamig naman sa dalampasigan ng Pagudpud! Bukod sa white sand beaches ditto, sinasadya ng mga turista ang Pagudpod dahil sa extreme water sport na kite boarding!

Angkas na ngayong tag-init sa unang bahagi ng ating biyahe sa Ilocos ngayong Huwebes 10pm sa Motorcycle Diaries sa GMA News Tv ch. 11.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular