Filtered by: Newstv
NewsTV

Mayor Rodrigo Duterte, Matigsalog Tribe kikilalanin sa Davao Expedition ng 'Motorcycle Diaries'


Davao Expedition ng Motorcycle Diaries
Huwebes, Enero 08
10 PM sa GMA News TV-11

 
Sa pagpasok ng taon, darayuhin ni Jay Taruc ang Davao City para kilalanin ang pinuno ng siyudad na kilala sa kanyang “kamay na bakal” diumano na pamamahala.
 
Binansagan si Duterte bilang “The Punisher” ng isang sikat na magasin noon dahil sa mala-berdugo niyang mga linya patungkol sa mga kriminal sa kanilang siyudad.
 
 
Noong 2009, sinabi ni Duterte na “If you are a criminal or part of a syndicate that preys on the innocent people of the city, for as long as I am the mayor, you are a legitimate target of assassination.”
 
Makakasama ni Jay si Duterte sa isang biyahe, at makikilala kung sino nga ba si Mayor sa likod ng kanyang mga kontrobersyal na linya.
 
 
Dadalhin din si Jay ng kanyang motorsiklo sa isang makulay na cultural experience, ang pamamasko ng mga katutubong Matigsalog.

 
Makikilala niya ang mga katutubong may pagmamahal sa kanilang musika, habang pilit na inaangat ang kanilang pamumuhay.
 
Abangan 'yan sa Motorcycle Diaries, Huwebes, alas-10 ng gabi sa GMA News TV-11!