Filtered By: Newstv
NewsTV
Unang yugto ng Cordillera expedition sa 'Motorcycle Diaries'
#CordilleraExpedition
MOTORCYCLE DIARIES
CORDILLERA PART 1
May 22, 2014
Ngayong Huwebes angkas na sa aming huling hirit ngayong tag-init sa malamig at bulubunduking mga bayan sa rehiyon ng Cordillera! Samahan si Jay na higit pang kilalanin ang mayamang kultura ng mga kababayan natin sa hilaga.
Sa unang yugto ng ating Cordillera Expedition, mapapasabak agad si Jay sa isang karera laban sa isang grupo ng katutubong Ifugao na tinaguriang mga ‘hari ng kalsada ng hilaga.’ Pero sa karerang ito, ang kanilang mga ‘motorsiklo’... walang makina!
Kaya naman masusubok ang husay ni Jay sa pagbalanse sakay ng mga tradisyunal na scooter ng mga katutubong Ifugao na gawa sa mga kahoy. Kuwento ng katutubong si Marlon, bahagi na ng taunang pagdiriwang ng Imbayah Festival sa Banaue ang karera ng wooden scooter. Pero kuwento niya, hindi lang pala sa katuwaan nagagamit ang mga wooden scooter, maging sa kanilang pamumuhay malaki ang pakinabang ng mga tradisyunal na sasakyang ito. Mas mabilis daw nilang naibababa sa bayan ang mga kahoy na panggatong na kanilang kinukuha mula pa sa bundok gamit ang mga wooden scooter.
Isa pang tradisyon ang buhay na buhay pa rin sa probinsiya ng Ifugao. Sa bayan naman ng Kiangan nanatili pa rin ang kultura ng pagpapanday ng patalim at iba pang kasangkapan. Nakamamangha kung paanong mula sa mga pinaglumaang bakal, nakalilikha sila ng samu’t saring patalim, tulad ng mga gulok at itak!
At para mapanatiling buhay at masigla ang industriyang ito, tinuturuan ng isa sa mga huling panday ng Kiangan na si Mang Rolando ang mga kabataan. Umaasa siya na maipasa sa susunod na henerasyon ang kakayahang ito na minana pa nila sa kanilang mga ninuno.
Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos sa bayan ng Banaue ang Pedya Kamp, isang summer camp para sa mga batang may pisikal na karamdaman at kapansanan sa isipan. Inaasahan nilang makatutulong sa mga bata ang magandang tanawin gaya ng Banaue rice terraces.
Ang pagdalo sa Pedya Kamp ang kauna-unahang beses ni Nedy na makalabas ng kanilang tahanan. Bagamat beinte sais anyos na si Nedy, tila batang may pitong taong gulang lang ang edad ng kanyang isipan. Aksidente namang nahulog sa bintana ang batang si Mege. Ang nakalulungkot naapektuhan ang kanyang isipan dahil sa overdose sa gamot. Layunin ng Pedya Kamp na bigyang positibo at masasayang alaala ang mga batang may kapansanan sa loob ng sampung araw.
Angkas na at samahan si Jay sa unang yugto ng Cordillera Expedition ngayong Huwebes, 10PM sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!

More Videos
Most Popular