Filtered By: Newstv
NewsTV
Ikatlong yugto ng La Union expedition sa 'Motorcycle Diaries'
#LaUnionExpedition
MOTORCYCLE DIARIES
LA UNION EXPEDITION PART 3 – Surfing special
March 27, 2014
Ngayong simula na ng tag-init angkas na sa ikatlong yugto ng ating La Union Expedition dahil sasadyain natin ang bayan ng San Juan sa La Union na tinaguriang “Surfing Capital of the North.” Samahan si Jay na kilalanin ang mga kababayan nating tila karugtong na ng kanilang pamumuhay ang surfing.
Noong nakaraang Huwebes, nakasama ni Jay ang ilang grupo ng riders sa La Union. Isa pala sa kanilang miyembro hindi lang bihasa sa pagsakay ng motorsiklo, eksperto din sa pagsakay ng surfboard. Bago pa man daw mahilig sa motor si Lemon, una na siyang nahumaling sa pagsayaw sa alon sakay ng surfboard. Sa katunayan ilang international surfing competition na rin ang kanyang napagtagumpayan. Pero higit sa libangan, ito na rin ang kanyang kabuhayan. Dahil sa pagtuturo ng surfing nakapagpatayo siya ng surf school at surf bar and restaurant. Natulungan niya rin ang ilan niyang kababayan.
Isa sa mga natulungan ni Lemon si Ponciana. Si Ponciana na ang nagtataguyod ng dalawang anak mula ng iwan ng asawa. Para tustusan ang kanilang gastusin, nagluluto at nagtitinda ng pagkain ang ginang. Pero nalugi ang kanyang canteen simula ng magkasakit ng Hemangioma na isang uri ng tumor ang isa niyang anak. Si Lemon ang naging sandalan ng mag-iina ng bigyan niya ng trabaho si Ponciana sa kanyang surf school. Malaking tulong sa mag-iina ang kinikitang dalawandaang piso kada oras sa bawat estudyanteng tuturuan ni Ponciana.
Si RJ naman ang pinakabatang certified surf instructor sa San Juan sa edad niyang trese anyos. Tulad ng ibang professional surfer, ilang kompetisyon na rin ang kanyang napanalunan. Para kay RJ, malaking tulong ang surfing sa kanyang pag-aaral. Mula sa kinikita sa pagtuturo sa mga turista niya kasi kinukuha ang pambaon sa eskwela.
Tila kakambal naman ng surfing sa La Union ang pangalan ni Luke Landrigan. Bukod kasi sa matikas na pangangatawan at husay sa pagsakay sa surfboard, ilang beses na siyang nag-uwi ng karangalan sa La Union mula sa mga international surfing competition. Noong nakaraang taon siya ang nagkampeon sa Long Board Billabong Bali Pro na ginanap sa Indonesia. Ang kanyang talent, tila minana na ng kanyang limang taong gulang na anak na si Kai na kasa-kasama niya sa pageensayo. Pero bukod sa anak niyang si Kai, nakakasama rin ni Luke sa pagsakay sa surfboard ang aso niyang si River na ikinatutuwa ng mga tagahanga niya.
Itinuturing namang isang alamat si Poks Esquivel sa larangan ng surfing sa Pilipinas. Siya lamang kasi ang one-legged surfer sa bansa. Sa kabila ng kapansanan ay nagawa niya pang lumaban at manalo sa mga surfing competition. Pero hindi inaasahan ang maagang pagpanaw ni Poks noong 2012 sa Edad na 27. Maaga mang nawala, nagsilbing inspirasyon naman ang buhay niya sa mga surfer hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Dahil sa surfing ilang dayuhan naman ang masiglang naninirahan sa Pilipinas. Sa tatlong taon na pamamalagi sa La Union, matatas na mag-Ilokano ang American-Canadian citizen na si Firth Mceachern. Sa San Juan daw siya unang sumampa sa surfboard. Mula noon ito na ang naging libangan niya. Tulad ni Firth, sa San Juan din unang natututo mag surfing ang Austrian na si Laura. Bilang marine biologist ay natural na sa kanya na mahalin at pangalagaan ang karagatan. Pero higit daw niyang napahalagahan at naintindihan ang kalikasan ng matutong sumayaw sa alon sakay ng surfboard.
Sumama nang makipaglaro sa alon sakay ng surfboard ngayong Huwebes 10PM sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!

More Videos
Most Popular