ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga Pinoy sa India, tampok sa huling yugto ng 'India Expedition' ni Jay Taruc



MOTORCYCLE DIARIES

2nd Anniversary Special
INDIA EXPEDITION PART 5
 
Huling yugto na ng ating India Expedition sa Motorcycle Diaries ngayong Huwebes!
 
Matapos makilala nila Jay ang mga kababayan natin sa New Delhi sa isang salu-salo ng mga Pinay na nakapag-asawa ng mga Indiyano noong nakaraang linggo, papasyalan naman natin ang isang bahay sa India na masisigurado mong Pilipino ang nakatira.  Watawat kasi ng Pilipinas na nakapinta sa mismong gate ang bubungad sa iyo.  Pag-aari ito ng Pinay na si Sheryl at ng kanyang German na asawang si Matthias Westhaeuser. Una silang nagkakilala sa New Delhi noong taong 2000.  Bokalista ng isang banda si Sheryl habang aircraft engineer naman sa Matthias.  Ikinasal sila nang sumunod na taon at matapos ng labindalawang taong pagsasama ay biniyayaan ng dalawang supling.
 
Makikita sa kanilang tahanan ang ibat ibang Filipino memorabilia. Mayroon din silang taniman ng mga gulay na karaniwang kinakain nila Sheryl sa Pilipinas gaya ng kangkong at okra. 


Binisita rin nila ang embahada ng Pilipinas sa India. Isa ito sa pinakamalaking embahada ng Pilipinas sa buong mundo. Dio higit nilang nalaman ang estado ng mga Filipino na nagtatrabaho sa India.

Sa isang natatanging pagkakataon, samahan niyo rin kaming ibahagi ang mga kuwento sa likod ng bawat eksena ng ating India Expedition. Mula sa pagpaplano at konsepto, hanggang sa aktuwal na pagdokumento ng bawat istorya, silipin ang mga nakatutuwa at hindi malilimutang eksena ng bawat staff at crew ng Motorcycle Diaries sa paglalakbay na ito. Pakinggan ang kanilang mga kuwento ng hirap, pagsubok, at kasiyahan sa pagbuo ng ekspedisyong ito.

Tutok na sa huling yugto ng ating India Expedition ngayong Huwebes 10PM, sa GMA News TV channel 11 saMotorcycle Diaries!