ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Biyaheng CAMANAVA, tampok sa 'Motorcycle Diaries ni Jay Taruc'
BIYAHENG CAMANAVA
August 08, 2013

Ang distrito ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela o CAMANAVA ang itinuturing naflood capital ng bansa. Kilala kasi itong nakararanas ng palagiang pagbaha mapa-simpleng ulan man o bagyo.
Kaya naman para mas makilala ang CAMANAVA, makikipamuhay si Jay Taruc sa ilang komunidad dito na tila ordinaryo na lang ang araw-araw na bahang nararanasan. Kikilalanin ni Jay ang diskarte ng mga pamilyang ilang unos man ang pinagdaanan, matibay pa ring namumuhay sa baha.

Isasama kayo ni Jay sa pagtuklas sa ugat ng sinasabing sinking phenomenon o paglubog ng lupa na nararanasan ng ilang bahagi ng CAMANAVA. Sasagutin kung ito nga ba ang dahilan ng bahang kanilang nararanasan.
Makikilala rin ni Jay ang fish port whisperers ng Navotas Fish Port at pag-aaralan ang lumang sistema ng sikretong tawaran, ang bulungan.

At huwag palampasin ang pagtuklas ni Jay sa sikreto ng kanilang masasarap na pagkain, matagumpay na industriya at maipagmamalaking kulturang may tatak CAMANAVA, ngayong huwebes sa Motorcycle Diaries, 10pm sa GMA News TV Channel 11!

More Videos
Most Popular