Filtered By: Newstv
NewsTV
Buhay ng tribong Batak ng Palawan, tampok sa 'Motorcycle Diaries'
MOTORCYCLE DIARIES
PALAWAN EXPEDITION - PART 2
July 18, 2013
Makikilala ni Jay ang mga kahanga-hangang Palawenyo sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na kanilang pinagdadaaanan, hindi sila sumusuko at patuloy na lumalaban.
Sa Puerto Princesa, makikitang naglalako ng mani sa kalsada si Toto. Pero hindi tulad ng mga karaniwang nagtitinda, hirap maglakad at kumilos si Toto, meron kasi siyang cerebral palsy. Sa kabila ng kanyang kondisyon, araw-araw pa rin siyang nagtitinda ng mani pagkagaling sa eskwela para makatulong sa kanyang ina.
Sa katunayan dahil sa kanyang pagsisikap, napag-aral niya ang kanyang batang pamangkin na ulila na sa magulang.
Sa katunayan dahil sa kanyang pagsisikap, napag-aral niya ang kanyang batang pamangkin na ulila na sa magulang.
Isang komunidad na malayo sa lungsod naman ang sasadyain din ni Jay. Tatlo hanggang anim na oras ang kailangang akyatin sa bundok at hindi bababa sa siyam na ilog ang kailangan niyang tawirin para marating ang tribo ng Batak. “Taong bundok” ang ibig sabihin ng “batak” sa salitang Cuyonon.
Dahil sa layo sa kabihasnan ng mga katutubong Batak, umaasa sila sa biyaya ng kalikasan para sa pagkain. Bukod sa pangingisda sa ilog at pangangaso sa gubat, umaakyat ng mga puno si Dong para manguha ng pulot o honey. Kapag walang pulot, mga uod o larva ng bubuyog ang kanyang inuuwi sa pamilya. Ito ang kanilang kinakain malamnan lang ang kumakalam na tiyan.
Tumutulong na rin sa paghahanapbuhay ang mga batang batak dahil na rin sa kahirapan ng buhay sa bundok. Nangunguha sila ng mga dagta mula sa puno ng Almasiga. Pero sa paglipas ng mga taon at sa pagpasok ng mga illegal loggers, ubos na ang puno ng almasiga malapit sa kanilang komunidad. Kaya naman kailangan nilang umakyat sa mas mataas na bahagi ng bundok at ilang beses rin nila kailangang tumawid sa mga ilog para manguha ng dagta.
Ang masaklap, madalas inaabutan sila ng sungit ng panahon sa itaas ng bundok lalo na ngayong tag-ulan.
Dahil dito dumudulas ang daan at tumataas at lumalaki ang tubig sa ilog. Kaya naman kadalasan hindi sila makababa ng bundok dahil nahihirapan silang tumawid sa ilog. Hindi bababa sa limang oras ang kailangan para mapuno ang isang sakong dagta na kanila namang ibinebenta sa mga “taga-patag” sa halagang kinse pesos kada kilo. Pero madalas daw silang maloko dahil hindi sila marunong bumasa at bumilang.

Kaya naman pag-asa ang hatid ng paaralang pinatatayo ngayon sa kanilang lugar ng ilang nagmalasakit na pilantropo at grupo. Plano ng grupo na turuan ang mga bata ng mga aralin sa salitang batak. Umaasa sila na kahit papaano makasasabay na sa agos ng modernisasyon ang katutubong Batak pero maipepreserba pa rin ang kanilang tradisyon.
Tutok na sa inyong telebisyon ngayong Huwebes alas diyes ng gabi sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV Channel 11!
Tags: plug
More Videos
Most Popular